ViraL Open Letter to Stephen Villena by Former UPLB

Advertisement
Source: Nol Montalban
Manila, Philippines -- Mr. Nol Montalbo made an Open letter addressed to Stephen Villena that was said being rude and unmannered during Q and A to Presidential candidate Mayor Rodrigo Duterte on the transparency forum at UPLB campus last Friday, March 11, 2016.

Read Mr. Montalbo Letter,
#‎Duterte‬ vs "UPLB-Man".
Una sa lahat, utoy, the word should be "compromised", not "compensate".
‪#‎UPLB‬ ako nag-graduate ng BS Biology major in Genetics noong 1999. Nagturo din ako ng 1 year sa UPLB ng Biology and Genetics laboratory classes. Ang UPLB ay napakagandang institusyon na nagtuturo di lamang ng hard-core academics but also "life-academics".
Masakit sa akin kapag nalalait ang isang estudyante na galing sa mahal kong alma mater. Masasabi ko na talagang matatapang at palaban ang mga taga UPLB (as compared sa ibang UP campuses) kahit noong panahon ko. Nakasali ako sa maraming rally at doon ko naintindihan ang pinaghuhugutan ng malalim na damdamin ng mga taga elbi.
Pero mas masakit para sa akin noong napanood ko ang pabalang na pagtatanong ni Stephen Villena kay presidentiable Rodrigo Duterte. I am assuming wala pang 20 years old ang batang ito. At assuming na matalino at achiever sya sa school, wala syang karapatan na bastusin ang isang taong napakalaki ng naiambag sa pag-unlad ng Davao.
‪#‎Stephen‬, maraming paraan para ipaglaban ang isang issue. Marami ring paraan ng pagtatanong para hindi naman ma-offend o mapahiya ang kausap mo. Hindi naman estudyante ang kaharap mo kundi isang taong may napatunayan na at higit sa lahat, dekada ang tanda sa yo. Sana baguhin mo yan dahil kapag nagkaroon ka ng trabaho, ikaw ang tipong kahit konting problema, magrereklamo. Or kapag kausap mo ang supervisor mo at di mo nagustuhan ang sagot nya, ipapahiya mo din sa harap ng ibang tao. Si Duterte nga kinaya mo, ang iba pa kaya? Education vs Defense lang ang issue mo. Di mo ikamamatay yan.
I admire Duterte for this. Hindi sya pikon. At alam ko na wala lang sa kanya ang nangyari. Mas marami pa syang nakaharap na mas matindi pa sa mga salita ni Stephen. And one thing is for sure, naiintindihan nya ang batang ito.
Sa mga taga elbi, whether student ka or alumni, at kahit saan ka pa makarating, let us not forget ‪#‎HONOR‬ and ‪#‎EXCELLENCE‬. Yan ang laging nasa isip ko.
And hindi porke UP ka ay mas magaling ka na sa iba. Kahit Summa Cum Laude ka ng UP pero bastos at walang respeto sa iba, lalo na sa nakatatanda, mas mababa ka pa sa walang pinag-aralan.

As of writing, This letter was shared 29,000 times, 100,000 reactions, 12k comments and still counting.

What are your thoughts about this, don't hesitate to comment it below. 
 

Start typing and press Enter to search